Sinadya kong tumawid
sa mataas at mahabang overpass.
sinadyang bagalan ang mga hakbang.
Sinadyang tumawad-tawad sa
mga panindang nakatuwid sa
makitid na tulay.
Inisa-isa ko ang mga nakaplastik
na piniratang DVD. Habang itinataktak
ang biglaang hapunan na kumakatok
pa rin sa boral ng tiyan.
Mabalasik ang mga larawan sa bawat
mukha ng pabalat para sa lamang pelikula.
Nakaumang ang wasiwas ng espada ni Spartacus.
Nanlilisik ang mga mata ng nasa Mortal Combat.
Nakahihindik ang pahiwatig ng mga kamao sa Immortal.
May kislap ang pangil sa Breaking of Dawn:Twilight Saga.
Parang nainip sa akin ang tindera,
"kuha na kuya." Naramdaman marahil,
na di ko naman sadya talagang bumili.
Bigla ang wasiwas ng malakas
at malisik na silbato! Sumambulat
si Spartacus. Isang biglang tili ng Ay! Bigla ring
naglabo-labo ang plastik ni Mortal at Immortal.
Humalo ang bunghalit ng iyak ng isang
batang kalong ng natulalang tindera.
Nabasag ang Breaking of Dawn!
Nakahihindik ang mabilis na pagsugod
ng mga lalaking de baril, simbilis ng pangil.
Noon lang kumislap ang ilaw ng dalawang mobile patrol:
pahiwatig ng raid. Isang malaking trak. Tinangay lahat
ng paninda. Tangay pati mga lamesa.
Umangil-angil pa ang lumayong mobil.
Naiwan ang umuungol na ulilang
pagot na tsinelas.
At ako, na di sinasadyang makasaksi
ng gayong sorpresa mula sa mga katulad kong
hindi para bumili ng DVD pero sinadya
ang mailaw na arcade sa may overpass.
Tuesday, December 20, 2011
Sunday, December 18, 2011
Paghuli ng Gagamba
Pagsipat sa sapot
ang unang kailangan.
Higit na madaling matunton
kung buo ang bahay.
Pero bihira ito,lalo na't
malaking anlalawa ang hinahanap.
Pero hindi sapat kung may sapot.
Tiyaking may tatag ang pilak na hibla.
Marahan ang pagsapo at pagtangtang.
Pagkatapos matiyak na may tibay,
sundan ang habla ng giya.
May mga sipit ng siit
at may mga supot ng mumunting dahong tuyo
na ipinagkit ng sapot.
Madaling mahalata ang mga labi
at kalansay ng mga biktima.
Kapagka ganito, malapit na
ang busog at natutulog na
karniborong arachnid.
Pitasin na lamang ang dahong
pinagbahayan. O kung gagambalain
upang ilagay sa silid-silid na
inikid na dahong niyog sa posporo,
hipan kaagad, upang mamalaging tulog.
Alalahaning ang gagamba
ay maraming mata, ngunit walang malay
kung nagpapahinga. Madaling magpatihulog
kapag nabulabog.
Kaya't huwag pahuhuli
kung ikaw'y manghuhuli.
ang unang kailangan.
Higit na madaling matunton
kung buo ang bahay.
Pero bihira ito,lalo na't
malaking anlalawa ang hinahanap.
Pero hindi sapat kung may sapot.
Tiyaking may tatag ang pilak na hibla.
Marahan ang pagsapo at pagtangtang.
Pagkatapos matiyak na may tibay,
sundan ang habla ng giya.
May mga sipit ng siit
at may mga supot ng mumunting dahong tuyo
na ipinagkit ng sapot.
Madaling mahalata ang mga labi
at kalansay ng mga biktima.
Kapagka ganito, malapit na
ang busog at natutulog na
karniborong arachnid.
Pitasin na lamang ang dahong
pinagbahayan. O kung gagambalain
upang ilagay sa silid-silid na
inikid na dahong niyog sa posporo,
hipan kaagad, upang mamalaging tulog.
Alalahaning ang gagamba
ay maraming mata, ngunit walang malay
kung nagpapahinga. Madaling magpatihulog
kapag nabulabog.
Kaya't huwag pahuhuli
kung ikaw'y manghuhuli.
Subscribe to:
Posts (Atom)